PESCAYDO, naghahanda para sa isang jobs fair na ukol sa mga naghahanap ng trabaho

Naghahanda ngayon ang tanggapan ng PESCAYDO o Provincial Employment, Sports, Culture and Arts for Youth Development Office ng isang jobs fair para sa mga naghahanap ng trabaho.

Ito ang tinuran ni Pescaydo Chief Gigi Gomez sa panayam sa programang Ang Inyong Lingkod Governor Atty. Gerardo Noveras. Aniya, nakatakda ang naturang jobs fair sa darating na December 8, 2013. Kailangan lamang na makipag-ugnayan kayo ngayon sa kanilang tanggapan na nasa Capitol Compound, Barangay Suklayin, Baler Aurora. Dalhin na rin ninyo ang mga mahahalagang employment requirements gaya ng biodata, transcript of records, diploma, NBI, passport at 2x2 picture gayon din ang ano mang certification mula naman sa TESDA sakaling kayo ay mga skilled workers.

Katuwang ang Department of Labor and Employment, inaanyayahan ang lahat na naghahanap ng trabaho agad na magtungo sa tanggapan ng PESCAYDO ano mang oras upang agad na maproseso ang inyong mga aplikasyon.

Comments