Red cross aurora chapter-umaapela sa pag hingi ng tulong para sa mga biktima ng super typhoon yolanda sa kabisayaan

Umaapela ang pamunuan ng Red Cross- Aurora, sa pangunguna ni Administrator Sherwin Nacar, para sa pag hingi ng tulong sa mga naging biktima ng super typhoon Yolanda sa Kabisayaan. 

Naka handa na ang mga donation cans sa mga ahensya, paaralan at establisimiyento na kanilang ipapa mud-mod sa iba’t-ibang lugar.

Kaya patuloy ang kanilang panawagan sa lahat na may mga mabubuting kalooban para sa mga kaukulang tulong at donasyon katulad ng damit, pagkain, pera at medisina.

Bukas ito para sa lahat ng mga nag nanais na tumulong.

Comments