Sports Fellowship, handog ni Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang

Lubos-lubos ang naging kasiyahan  ng lahat ng Media sa buong Central Luzon sa kanilang pagdalo sa isinagawang Fellowship na idinaus sa Northern Luzon Command Headquarters sa Camp Servillano, San  Miguel Tarlac.

Ang Media Sports Fellowship ay handog ni Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang, bilang bagong Commander ng NOLCOM, tree planting sa hardin ng lunas isang lugar sa loob ng campo kung saan matatagpuan ang iba’t-ibang uri ng halamang pananim ng mga sundalo.

Umabot ng 600 puno ng Mahogany ang naitanim ng Media at mga opisyal ng NOLCOM kasama si Gen. Catapang. Matapos nito ay nag karoon ng maikling press conference na isinagawa sa firing range ng kampo. Sa naturang press conference ay mahusay at detalyadong singot ni Catapang  ang mga katanungan ng media.

Sa huli, ay tiniyak nito na makaka asa  ang media na maraming balita ang makukuha nila sa NOLCOM  ito man ay maganda o pangit na balita. 

Bahgi rin ng idinaos na media sports fellowship ay ang pag tungo sa furniture shop ng NOLCOM. Dito ginagawa ang mga muebles  ng mga naturang puno sa loob ng kampo ng rumagasa ang bagyong si Santi sa Central Luzon.

Isinagawa din ang sama-samang pag sisindi ng kandila at pag-aalay para sa mga naging biktima ang mga Kagawad ng media sa Central Luzon para sa mga kapatid sa larangan ng pamamahayag na napabilang  sa naganap na massacre 4 na taon na ang nakaraan.

Ang aktibidad ay isinagawa sa harap ng main gate ng Florida sa Blibago Angeles City. (Ray S. Fernando)

Comments