Transportasyon sa Brgy. Umiray-Dingalan, di sapat

Nananawagan ang mga residente ng Barangay Umiray sa Bayan ng Dingalan, Aurora na maibalik sa dati ang daloy ng transportation sa kanilang lugar partikular ang biyahe ng mga buss.

Matatandaang noong mga nakaraang linggo, ipinagbawal ng Pamunuoan ng Green Circle Corporation ang pananatili ng matagal ang mga buss sa erya partikular ang Dingalan Buss Transit Express  na bumibiyahe mula Umiray paluwas ng Cabanatuan City.

Napagkasunduan naman ng pamunuan ng Buss Company at pamunuan ng Green Circle Corporation na maghahatid nalamang ang kanilang mga buss ng pasahero sa Barangay Umiray at agad din itong aalis sa lugar.

Ngunit ito naman ang naging panibagong suliranin ng mga residente ng Barangay Umiray, ang kakulangan ng transportation sa lugar.

Ayon kay Ginang Violeta Borio, residente sa lugar at biyahero ng saging at iba pang produkto, hindi na umano pumupunta ang mga buss sa Umiray para kaunin ang mga pasahero. Sila na lamang ang pumupunta sa Barangay Ibuna, kung saan dito na ang bagong terinal ng Buss.

Dahil sa layo ng kanilang nilalakbay bago makarating sa buss terminal sa Barangay Ibuna at masama pa umano ang kalsada,  lalaki ng lubak at aputik kapag tag-ulan, madalas anilang nabubulok ang kanilang mga produktong saging na nagdudulot ng pagkalugi ng kanilang hanapbuhay. (Arnel M. Turzar/Danny Astrera)

Comments