Aurora School Division Superintendent, nakatakdang magsagawa ng turn-over sa Lunes



Nakatakda nang palitan ang kasalukuyang Schools Division Superintendent ng Department of Education dito lalawigan ng Aurora sa darating na lunes.

Ito ang paunang impormasyon na nakuha ng CMN News mula sa ilang mapagkakatiwalaang source.

Sa Dec.16, 2013 nakatakda ang installation ng bagong  Schools Division Superintendent na si Dr. Alberto Saludes, Ph.D, mula sa San Jose City, Nueva Ecija, kapalit ng kasalukuyan Schools Division Superintendent na si Ginang Teresa Mababa.

Si Mababa ay malilipat sa ibang lalawigan sa hindi pa nabanggit na dahilan ngunit may balitang dahilan ito sa diumano’y hindi maayos na pangangasiwa sa DepEd Aurora dahil sa matinding bahid ng pulitika.

Matatandaang nagalit si Governor Gerardo Noveras kay Mababa noong opening ng APAA dahilan sa hindi nito pagdalo ng walang sapat na dahilan.
 

Comments