Kapistahan ng Imakulada Concepcion, Ipinagdiwang sa Bayan ng Baler kahapon

Ipagdiriwang sa buong Pilipinas ngayon araw ang Kapistahan ng Imakulada Konsepsyon.

Kaugnay nito, nauna nang ipinagdiwang kahapon (Dec.8) ang Kapistahan ng Imakulada Konsepsyon sa bayan ng Baler, Aurora.

Matapos ang Banal na Misa hanap na ika-5 ng hapon sa Parokya ni San Luis Obispo sa pangunguna ni Rev. Fr. Nilvon co Villanueva, ipinorisisyon ang Mahal na Berhen mula sa Simbahan inikot ito sa sentrong bayan ng Baler kasama ang daan-daang diboto.

Matapos ang prosisyon, inalayan ng Dasal at Panalangin ang mahal na Behen kasabay ang pagbabasbas sa harapan ng Simbahan.

Samantala, matapos ito ay nagkaroon naman ng masaganang meryenda ang lahat ng nakiisa sa pagdiriwang, sa pamamagitan ng pamilya Molina na siyang nag-sponsor sa pagkain. (Arnel M. Turzar)

Comments