Mga bagong talagang Kapitan at Barangay officials ng Baler, matagumpay nang nakapanumpa

Matagumpay na naka panumpa sa isinagawang oath taking ceremony  ang may labing tatlong mga bagong talagang Kapitan ng Barangay Bayan ng baler, Aurora sampu ng kanilang mga Kagawad, na isinagawa sa Baler Municipal Plaza noong nakaraang linggo sa pangunguna ni Mayor Nelianto Pilot Bihasa, Vice Mayor Karen Angara-Ularan, mga Sanggunian bayan members at Comelec  Officer  Alma Broqueza.

Nag bigay naman ng pahayag sina ABC president Dominador Fernanado at SNGO Officer Ariel Espinosa, kung saan ipinaalala niya na ang pag lilingkod ay dapat 24/7. 

Kasama ang kanilang mga pamilya sa kanilang sinumpaang tungkulin, ay mababanaad naman sa mga bagong talagang brgy. officials ang saya at pag asa sa kanilang bagong hamon na kakaharapin.

Matapos nito ay nagbigay naman ng pahayag si Mayor Bihasa kung saan sinabi niya na ito sana ang simula ng pagkakaisa at anumang masamang nangyari nitong nakaraang eleksyon ay kalimutan na imbes tuparin ang bawat sinumpaang tungkulin, at gawin kung ano ang kanilang ipinangako sa taong bayan.

Matapos batiin ay nag pahayag rin ng maikling mensahe si Vice Mayor Karen Ularan na makiisa  at makipag tulungan na suportahan ang mga programa ng pamahalaan para narin sa mga kababayan at kabarangay. (Melanie Hugo)

Comments