Philippine Coconut Authority (PCA) - aminadong bumagsak ang produksyon ng niyog sa lalawigan ng Aurora dahil sa mag kakasunod na bagyo

Bukod sa pesteng nanalasa sa mga pananim na niyog noong nakaraang taon, Aminado ang pamunuan ng Philippine Coconut Authority na bumagsak ang produksyon ng niyog dito sa lalawigan. Ito ay dahil narin sa mag kasunod na bagyong Labuyo at  Santi.

Sa panayam ng CMN News kina Senior Agriculturist Juan F Millar Jr at Edwin Rillion ng  PCA, ang mga bayan sa DICADI Area ang lubos na apektado. Dahil dito tatlong bayan sa Dinalungan, Casiguran at Dilasag ang bumagsak ang produksyon. Tinatayang nasa 20,000 mga puno ng niyog ang nasira. Apektado rin ang bay-bayin ng San Luis sa parte ng Dingalan. 

Kaya asahan na dahil dito ay babagsak ang produksyon ng niyog sa lalawigan na siyang lubos na makapag bibigay ng suliranin para sa mga kababayan nating magsasaka ng niyog. (Arnel M. Turzar)

Comments