Task Force Pag-asa ng MSAG-Aurora, namahagi ng tulong rehabilitasyon sa mga nasalanta ng bagyo sa DiCaDi

Patuloy sa pamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Labuyo sa bahagi ng DICADI ang Task Force Pag-asa ng Multi-Sectoral Action Group o MSAG-Aurora na binubuo ng apat na samahan, ito ang Bataris Formation Center, Justice and Peace Action Group, Panlalawigang Alyansa ng mga Magbubukid sa Aurora at ang Alternatibong Kalusugan sa Pamayanan ng Aurora, sa pamamagitan ng kanilang Funding Agency ang Mensen met een missie at sa tulong din ng Panlalawigang Pamahalaan ng Aurora, nakapamigay ang mga ito ng tulong para sa rehabilitasyon ng mga bahay sa mahigit 106 pamilya sa Bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag.

Partikular na nabigyan ang mga barangay ng Simbahn, Dibaraybay, Nipoo, Mapalad at Zone One sa bayan ng Dinalungan, sa bayan ng ng Casiguran ang mga barangay Bianoan, Esteves, Dibet, San Ildefonso, Cozo, Tinib at Culat, dalawang barangay naman sa bayan ng Dilasag; ito ang barangay Lawang at Diniyog.

Maliban sa yero at ibang pang gamit para sa pagsasaayos ng bahay, namigay din ng  42 Lambat sa mga magingisda at nakapagbigay din ng mga Binhi ng gulay na mananim sa may 220 magsasaka, 78 naman ang benepisyaryong nabigyan ng mga gamit para sa pagsasaayos ng kanilang bangka.

Maliban sa mga ibinigay na tulong na banggit, nakapagsagawa narin ang mga ito ng limang Medical Misyon sa magkakahiwalay na barangay ng Dibaraybay sa Dinalungan, Barangay Esteves, at Tinib sa Casiguran, Barangay Lawang sa Dilasag mula noong buwan ng Nobyembre 2013. (Arnel M. Turzar)

Comments