Kakulangan ng basurahan, problema sa Baler Central Terminal

Kakulangan ng garbage scan ang isa sa mga suliraning kinahaharap ng mga nakatalagang tagapag-linis sa Baler Central Terminal dahil ayon sa mga ito sinisira umano ng mga kabataang walang magawa ang mga basurahan sa paligid ng nito.

Itinataub at binabasag umano ang mga basurahan at kinakalat ang mga basura sa tuwing des-oras ng gabi.

Kahit umano may mga nakatalagang watchman sa lugar nagagawa parin ng ilang mga kabataan na salisihan ang mga bantay para mamerwisyo na tila wala umanong takot ang mga kabataang ito kahit na sila ay nakikita ng ilan.

Sa huli mahalaga anilang madag-dagan ang mga basurahan sa paligid ng terminal upang mapanatili ang kalinisan dito at madagip ng mga otoridad ang mga kabataang pasaway na gumagawa ng hindi maganda sa kapaligiran.

Pinapayuhan naman ang lahat ng mga taong pupunta sa terminal na itapon ang mga basura sa mga sakong pansamantalang basurahan na nakasabit sa mga puno sa paligid ng paradahan.(Melanie Hugo & Arnel M. Turzar)

Comments