Nagpamahagi
noong nakaraang linggo (Jan.16, 2014) ng binhi ng Niyog ang mga kasapi ng Task
Force Pag-asa sa mga residente ng Barangay Cozo sa bayan ng Casiguran, Aurora.
Ang Task Force
Pag-asa sa ilalim ng Multi Sectoral Action Group of Aurora ay binubuo ng apat
na samahan ng NGO’s at PO’s, ang Bataris Formation Center, Justice and Peace
Action Group of Aurora (JPAG), Alternatibong Kalusugan sa Pamayanan (AKAP) at
Panlalawigang Alyansa ng mga Magbubukid sa Aurora (PAMANA).
Nabiyayaan ng
programa ang mga pamilya sa Barangay Cozo kung saan ang bawat pamilya ay
nakatanggap ng 25 Binhi upang maging ng mga natumbang puno ng niyog noong mga
nagdaang kalamidad.
Nagpapasalamat
naman si Cozo Barangay Captain Alejandro Barcenas sa grupo ng Task Force sa pagmamalsakit ng
mga ito na tulungan ang kanyang mga kabarangay.
Ang mga
ipinamahaging binhi ay binili naman sa magsasaka ng Niyog sa bayan ng
Dinalungan sa halagang P10.00 bawat isa.
Comments
Post a Comment