Civil Service Comission- Aurora magsasagawa ng pagsusulit ngayong darating na Abril para sa lahat ng professional at sub professional

Magsasagawa ng examination ang Civil Service Commission dito sa Aurora para sa mga nagnanais na kumuha ng professional license ngayong darating na ika-6 ng Abril 2014.

Ito ay bukas para sa lahat ng mga professional at sub professional o kahit na mga high school graduate lamang. Kinakailangan na 18 taong gulang, ngunit hindi naman lalampas sa retire able age. Filipino citizen at walang kinakaharap na kaso.

Sa panayam ng CMN News kay Ginoong  Harold Enrico ng civil service office, ngayong buwan ng Pebrero ay nakapag tala na sila ng may 516 na mga examinee para sa professional habang 63 naman sa sub professional.

Naka handa narin ang mga gagamiting paaralan para sa pagsusuring ito. Tulad na lamang ng Baler National High School na kayang mag accommodate ng nasa 750 para sa professional at ang Aurora National Science High School  para sa may 250 na mga kukuha ng pagsusulit para naman sa sub professional.

Matapos ang 45 araw ay malalaman na ang resulta sa website ng ahensya kung saan base naman sa rating. Nakatala rin dito kung pumasa o hindi.

Sa pamamagitan ng pag type ng pangalan, birth date, birth place at examinee number. Naka lagay din sa website ang lahat ng impormasyon kung kelan pwedeng makuha ang certificate of eligibility. (Melanie Hugo)

Comments