Climate change isa sa binigyang pansin ng DENR-Aurora sa programang hatid batid ng PIA

Nagbigay ng mga kaukulang paalala ang pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources DENR-Aurora, sa pangunguna ni Dr. Lucena Mercado sa programang “ Hatid Batid Mula PIA” hinggil sa pagbabago ng klima o climate change na kinakaharap ng mundo ngayon at sa mga darating pang panahon.

Aniya, maaaring hindi na ito mapipigilan pa ngunit sa pamamagitan ng ilang hakbang at sapat na kaalaman ay maaari pang mapigilan.

Sa nasabing programa, ay kanyang binigyang pansin ang five natural defense laban sa mga kalamidad na kahaharapin natin partikular na nga dito sa lalawigan ng Aurora. Una na rito ang pa bibigay ng proteksyon sa mga coral reefs kung saan maaari itong magbigay ng sapat na pananggalang sa pagkakaroon ng tsunami, storm surges at mga wave action kung saan may kakayanan itong basagin ang mga malalaking alon. Ang mangrove forest ay isa rin sa hindi dapat inaalis na magsisilbi ring panangga sa malakas na alon. Makatutulong din aniya ang sand pebbles at mga beach forest para maiwasan ang soil at beach erosion na maaaring pumunta sa mga kabahayan.

Sa huli, ay nanawagan siya na makipag tulungan ang ating mga kababayan  sa kanilang ahensya upang maiwasan ang pangambang kakaharapin sa pag babago ng panahon.

Dagdag pa niya, “ DENR alone cannot solve this huge task. (Melanie Hugo)

Comments