No. 1 tourist destination sa buong bansa, nais matamo ng lalawigan ng Aurora

Pagiging No. 1 tourist destination sa buong bansa ang nais matamo ng lalawigan ng Aurora.
Ito ang positibong tugon ni Gng. Charlot Madarang, supervising tourism operation officer sa lalawigan ng Aurora nang siya ay makapanayam ng CMN News noong lunes (Febrero 3, 2014).

Kaugnay ito ng patuloy na pagdagsa ng mga turista sa lalawigan ng Aurora, ayon sa tala ng kanilang tanggapan nitong nakalipas na taong 2013, ay nakapagtala sila ng 272,182 bilang ng dumayong turista, mas mataas ng 57,087 kumpara noong 2012.

Bunsod na rin ito sa suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan sa mga isinusulong na programa ng kanilang tanggapan, ang Aurora ay nakapagtala ng record na pang 3 sa mga lugar sa bansa na dinarayo ng mga turista noong nakaraang taon.

Ayon pa sa tala ng tourism office, ang mga lugar na ninanais puntahan ng mga turista ay ang Ermita Hills, Museo de Baler, ang bahay ni Donya Aurora Quezon, Sabang Beach at ang makasaysayang Simbahan ng Baler.

Ang itinuturing na pinaka malaking puno sa Asya ang Balite Tree sa Maria Aurora, mother falls sa San Luis, kung saan matatagpuan ang magagandang resort.

Sinabi pa ni Mandarang na hindi lang pahkain ang kanilang ipinopromote kundi maging ang mga banner events ng lalawigan.

Mayroon din aniyang apat na produkto na inalok ang kanilang tanggapan sa mga adventurerong turista, ito ay ang revel, treyc, surfe at dive.

Dagdag pa niya, malaking tulong din para sa promosyon ng turismo sa lalawigan ang naging pagbisita ni Miss Kris Aquino sa Baler noong nakaraang buwan ng Enero na kung saan ay nai-promote din sa kanyang programang Kris TV ang kagandahan ng Aurora.

Inaasahang ngayong buwan ng Pebrero ay muli na namang darayuhin ng mga lokal ang foreign tourist ang lalawigan ng Aurora lalo pa nga at marami na namang events ang matutunghayan sa pagdiriwang ng ika-32 taong pagkakatatag nito sa ika-19 ng buwang kasalukuyan. (Rey S. Fernando)

Comments