Kalikasan dapat pangalagaan – Simbahan sa Padyak

Sirain mo ang Kalikasan, sisirain ka rin nya, pangalagaan mo ang Kalikasan aalagaan ka rin nya, ito ang naging pahayag ni Rev. Fr. Andres Lumasak, Kora paroko ng Parokya ni San Vicente Ferrer, sa mga siklista ng “Padyak Para sa Kalikasan” noong nakaraang Sabado, ika-26 ng Abril 2014.

Ito ay naglalayong lalo pang mapataas ang antas ng kamalayan hinggil sa Kalikasan at mapanatili ang Kagandahan ng lalawigan ng Aurora.

Ayon pa kay Fr. Lumasac na bagamat mas kaunti ang nakiisa sa Padyak ngayong taon kumpara noong nakaraan, mas marami naman ang mga kabataang nakisangkot, isa itong indikasyon ng kamalayan ng mga kabataan na sila ang magpapatuloy sa pangangalaga ng Kalikasan.

Ayon naman kay Rev. Fr. Israel A. Gabriel, Kora paroko ng Parokya ni San Luis Rey Hari, ang mundo at ang tao ay may kaparehong katangian, kung ano ang meron ang tao meron din ang mundo na dapat pangalagaan.

Dagdag pa ni Fr. Gabriel na ang pagkakaroon at pagtatayo ng marami at malalaking gusali sa Aurora ay hindi pagsisimula ng pag-unlad ng Kalikasan bagkus ito aniya ang simula ng pagkasira at pagguho ng Kalikasan. (Arnel M. Turzar)

Comments