Mabahong babuyan sa Purok 03, Barangay Zabali-Baler, inirereklamo ng mga residente

Inirereklamo ng mga apektadong residente ang mabahong babuyan na pagmamay-ari umano ni Kagawad Manuel “Dongdong” L. Sanchez Jr. sa Purok 03, Barangay Zabali, Baler, Aurora.

Ayon sa mga residente, bukod sa mabahong amoy na nakakaapekto sa kalusugan ng tao, maingay pa ang mga alagang baboy at sinasabayan pa ito ng malakas na kwentohan at kantahan hanggang hating gabi na nakakabulahaw lalo na sa mga bata.

Ayon sa inporasyong nakalap ng CMN News, wala umanong maayos na tapunan ng dumi ang kulungan at sa ilog ito umaagos na sa tuwing tumataas ang tubig sa ilog mula sa dagat, inanod ito patungo sa karagatan sa barangay Sabang, Baler.

Ipinarating narin umano sa tanggapan ng Barangay Zabali ang naturang suliranin noong pang mga nakaraang taon, subalit tila walang ginawang aksyon ang mga nanunungkulan sa barangay.

Kaugnay nito, nananawagan ang mga residenteng apekdato ng mabahong babuyan, na aksyunan na ito ng mga nanunungkulan sa barangay at mga ahensyang nakakasakop sa ganitong suliranin. (Arnel M. Turzar)

Comments