Padyak Para sa Kalikasan, sa Sabado na, April 26, 2014.

Muling isasagawa ang PADYAK PARA SA KALIKASAN sa darating na Sabado, ika-26 ng Abril, 2014 at ito ay magsisimula ganap na ika-6 ng umaga sa compound ng Simbahan ng Dipaculao patungo sa mga bayan ng Maria Aurora, Barangay Quirino, San Luis at magtatapos sa Barangay Real sa San Luis.

Ang naturang aktibidad ngayong taon ay may temang “MAGANDA ANG BUKAS KUNG ANG KALIKASAN AY LIGTAS”. Ito ay sa pangunguna ng Multi-Sectoral Action Group (MSAG-Aurora) at ng Bikaryato ng Valley-Ding.

Ang lahat na nais makiisa ay inaanyayahan na magpatala sa mga sentrong tao sa bawat bayan, maaari ding magpatala sa araw mismo ng PADYAK. Maaari ding makipag-unayan sa Baler kay Juan Felipe sa 09494020245, sa Dipaculao kay Lando Padua, sa Maria Aurora kay Jerry Fabro sa 09079350860, sa San Luis kay Noel Aragon sa 09205658330 at sa mga tanggapan ng bawat Parokya sa sentral Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments