Dating Kapitan ng Barangay Zabali-Baler, kinastigo ang may-ari ng babuyan sa Purok 3

Kinastigo ni dating Kapitan Trinidad ng Barangay Zabali, Baler, Aurora si Kagawad “Dongdong” Sanchez, ang may-ari ng inirereklamong mabahong babuyan sa Purok 3, Barangay Zabali. Ang pagkastigo ay nangyari sa isinagawang pag-uusap sa tanggapan ng Barangay Zabali, noong ika-9 ng Mayo.

Ayon kay Trinidad hindi sinunod ni Sanchez ang mga napagkasunduan sa pag-uusap at rekoendasyon ng kanyang administrasyon noong una itong ireklamo upang isaayos ang kanyang babuyan at sumonod sa mga requirement sa tamang pag-aalaga ng baboy.

Dagdag pa ni Trinidad, na kung sinunod ni Sanchez ang mga nararapat gawin, hindi na sana lumaki ang usapin at humantong sa pagsasapubliko nito. (Arnel M. Turzar)

Comments