MCC Baler Batch 89, nagsagawa ng Dental Mission sa Aurora.

Masayang katanggap ng libreng gamot at Serbisyong dental ang may 150 katao mula sa iba’t ibang sambayan ng lalawigan ng Aurora partikular sa tatlong bayan nito, Baler, San Luis at Maria Aurora, May 6, 2014, sa covered court ng naturang paaralan.

Ang Dental Mission ay pinangunahan at handog ng BATCH 89 ng Mount Carmel College, Baler, Aurora, kasama ang magagaling na Doktor.

Layunin nitong mabigyan ng libreng serbisyo at gamot ang mga Munting Sambayanang Kristiyano (MSK) na walang kakayanang bumili ng gamot at magbayad sa doctor para malunasan ang kanilang mga karamdaman.

Ayon kay Egnr. Ricardo Gutierrez, Chairman ng MCC Batch 89, masaya silang nakapagbigay ng libreng serbisyo lalo na sa mga kabataan at kapus palad na pamilya. Asahan aniyang magsasagawa pa sila ng  katulad na programa sa mga darating na panahon. (Arnel M. Turzar)

Comments