Municipal Agricultural Office ng San. Luis namigay ng libreng binhi sa mga mamamayan

Namahagi ang Municipal Agricultural Office ng libreng buto ng gulay para sa mga mamamayan ng San Luis, Aurora.

Binigyan ng binhi ang lahat ng mga nagnanais na magtanim sa kani-kanilang bakuran.

Ang programang “Gulayan sa Bakuran” ay isang contest kung saan, ang mananalo dito ay magkakamit ng kaukulang gantimpala at sertipiko na nakatakdang i-award sa darating na kapistahan ng bayan sa Agosto, kung saan ipagdiriwang dito ang araw ng mga magsasaka.

Bukas naman ito para sa lahat ng mga interesado sa pagtatanim, paggamit ng organic fertilizer, at may magandang kombinasyon ng mga pananim na gulay.

Layunin nito na maturuan ang mga residente na magtanim sa kani kanilang bakuran ganun din sa tama at wasto, layuning din nitong maisulong ang organic farming sa kabutihang loob ng kanilang punong bayan Anabelle Tangson.

Comments