1,000 Mangroves tree, itinanim ng mga kawani at pamunuan ng AURELCO-DENR sa Baler, Aurora.

Magkatuwang na nagtanim ng mga punong kahoy ang mga kawani at pamunuan ng Aurora Electric Cooperative o AURELCO sa pangunguna ni General Manager Noel Vedad at ang Community Environment and Natural Resources sa pangunguna naman ni CENRO Raul Batang ng Baler.

Nasa humigit isang libong (1,000) puno ang kanilang naitanim sa Sitio Puntian, Barangay Zabali, Baler, Aurora noong ika-23 ng Agusto 2014.

Ang isinagawang Mangroves tree planting ay bahagi ng National Electrification  Awareness Month, programang ipinatutupad ng NEA taun-taon sa tuwing buwan ng Agusto, at bilang pagsuporta na rin sa National Greening Program o NGP ng pamahalaan sa bansa bilang pagprotekta at pangangalaga sa Inang Kalikasan. (Arnel M. Turzar)

Comments