Feedback Mechanism Ordinance, aprobado na sa SB Maria Aurora

Aprobado na sa Sangguniang Bayan ng Maria Aurora, Aurora ang FEEDBACK MECHANISM ORDINANCE para sa naturang bayan.

Makaraan ang mahabang panahon na pinag-aralan at pinag debatehan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang Ordinansa naipasa na ito noong ika-26 ng Agusto 2014.

Layunin ng ordinansa na ipaalam at malaman ng mamamayan ang mga komento, suhestyon at reklamo sa mga empleyado ng lokal na Pamahalaan ng Maria Aurora.

Isulat lamang sa FB Form at ihulog sa Box na makikita sa mga tanggapan ng bawat ahensya ang mga komento, suhestyon at reklamo.

Ang Ordinansa ay pinangunahan at isinulong ni Hon. Councilor Katriz Mae Palispis ng Maria Aurora, noong February 2014.

Lagda na lamang ni Municipal Mayor Amado Geneta ang kinakailangan upang ganap na itong maging Batas Pambayan at maipatupad na sa bayan ng Maria Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments