Isang Motorsiklo, sinunog sa Bayan ng Maria Aurora

Sinunog ng hindi pa nakikilang suspek ang isang single motorcycle, Bajaj CT100, na may plate number 1241 XT sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora noong ika-8 ng Setyembre 2014.

Ang naturang motorsiklo ay pagmamay-ari ni Ralph Janver G. Edrada,binata at resident ng Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora.

Base ulat na inilabas ng Maria Aurora Police Station, sa paunang imbestigasyon nito, nakaparada umano ang motorsiklo sa boarding house ng may-ari sa AMIGA’S BOARDING HOUSE AND TRANSIENT sa Barangay 01 ng naturang bayan ng mapansin ito ng  isang concern citizen na nagliliab dakong ika-11:30 ng gabi.

Pumasok umano sa boarding house ang suspek at tinakot ang mga naka tira doon at sinabi nitong ibigay sa kanya ang mga cellphone at pera, subalit agad din itong tumakbo papalalo sa hindi malamang direksyon. (Arnel M. Turzar)

Comments