LIBRENG KASALANG BAYAN MULING ISASAGAWA NGAYONG BUWAN NG DISYEMBRE SA BAYAN NG BALER

Magsasagawang muli ng  libreng kasalang bayan ngayong ika 18 ng Disyembre sa pangunguna ni Baler mayor Nelianto Bihasa.

Ayon sa tanggapan ng Municipal Civil Registrar Office (MCRO), isa lamang ito sa mga programa ng lokal na pamahalaan upang maka tulong sa mga kababayang nais na magpakasal ng libre.

Isinasagawa ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang taon, depende sa dami o bilang ng mga mag papatala.

Magsisimula ang seremonya ganap na ika 9:00 ng umaga, sa Ground Floor Executive Bldg ng LGU Baler.

Kaugnay nito, nagsagawa  ng free mass wedding nitong ika 10 ng Nobyembre  ang alkalde sa may 8 pares  sa Brgy Obligacion, katuwang ang Sangguniang Brgy doon sa pangunguna ni brgy captain Domino Bernalte, Ferdinand Santiago ng NSO, Ermelinda Monreal ng POPCOM, at pastor Rey Sagun.

(Spirit FM News)

Comments