ONLINE EARLY RENEWAL PARA SA PAG PAPATALA NG NEGOSYO IPINAPATUPAD NA NG DTI



Ipinapatupad na ng Department of Trade and Industry DTI, ang online advanced na pag papatala para sa renewal ng Business Name Registration bilang bahagi ng adhikain ng ahensiya na maging mas maayos pa ang cost of doing business.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, magiging mas simple at makaka tipid pa sa oras at panahon ang gugugulin ng isang negosyante sa kanyang transaksiyon.

Sa pamamagitan ng early renewal scheme at electronic payment (ePayment) facility gamit ang BancNet debit card o GCash, ang renewal ng Business Name Registration ay maaari ng ma proseso gamit lamang ang computer o mobile phone sa loob lamang ng maiksing panahon.

Ayon sa tanggapan, malaki ang tulong nito para sa lahat ng mga negosyante kumpara sa tradisyunal na pamamaraan kung saan personal pang nag tutungo ang mga ito sa tanggapan ng DTI upang ma i renew lamang ang Business Name Registration at  doon mag bayad.

Ayon pa sa DTI, I proseso ang renewal tatlong buwan bago ito mag expire.
Dahil sa makabagong sistemang ito, natuwa naman ang mga negosyante partikular ang mga nasa malalayong bayan sa lalawigan dahil hindi na nito sila kakailanganin pang lumuwas para lamang sa pag  renew ng kanilang negosyo.
(Spirit FM News)

Comments