PROVINCIAL DIRECTOR DANILO FLORENTINO, NAGPASALAMAT SA PAGKAKAISA NG MEDIA AT KAPULISAN SA LALAWIGAN
Nagpasalamat
si Provincial Director, Senior Superintendent Danilo Florentino sa pakikibahagi
ng mga mamamahayag sa lalawigan, upang maging kaagapay ng kapulisan sa mga
programa na nais iparating sa mga mamamayan.
Sa
isinagawang pag pupulong nito lamang ika 27 ng Nobyembre sa Camp Ravina, Brgy
Sabang, nagpakita ng kapwa pagkakaisa ang dalawag panig upang mas mabilis na
maiparating ang mga adbokasiya,at makabagong programa ng Philippine National
Police PNP sa lalawigan ng Aurora.
Ayon
sa Provincial Director, ito ay isang adhikain upang mas mapabilis na
maiparating sa taong bayan ang mga isinusulong na programa ng kapulisan
partikular sa usapin ng kapayapaan laban sa ano mang uri ng krimen sa lipunan,
kung saan mabilis na malalaman sa pamamagitan ng Media.
Dagdag
pa nito, isa lamang ang Lambat Simbat Program ng PNP,sa mga matagumpay na
naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga mamamahayag.
(SPIRIT FM NEWS)
Comments
Post a Comment