SEED CAPITAL ASSISTANCE IPINAGKALOOB NG PAMAHALAANG BAYAN SA MGA 4Ps BENEFICIARIES

Ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Baler mayor Nelianto Bihasa ang pamamahagi ng seed capital assistance of self employment assistance-Kaunlaran kahapon sa mga miyembro ng  Pantawid Pamilya beneficiaries mula sa bayan ng Baler.

Nasa 10 benepisyaryo ang nabahaginan nito mula sa pangangalaga at pag subaybay ng Department of Social Welfare and Development office (DSWD)-Social Action Team o SWAT.

Ang pamamahagi ay isinagawa mismo sa munisipyo ng Baler katuwang ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kinatawan ng DSWD.
Nagpasalamat naman ang mga tumanggap sa tulong ng lokal na pamahalaan para sa kanila.
(Spirit FM News)

Comments