TANGGAPAN NI VICE GOVERNOR ROMMEL TEH ANGARA, PATULOY NA DINADAGSA NG MGA HUMIHINGI NG TULONG



Patuloy na dinadagsa ng mga kababayang humihingi ng tulong ang tanggapan ni Vice governor Rommel Teh Angara, ng abutan pa ng CMN News ang mga ito kahapon habang masusing nakapila sa loob ng tanggapan.

Ayon kay Gladys Valiat, Administrative Aid I sa tanggapan ng bise gobernador, halos araw-araw ay may nalapit sa kanila upang humingi ng tulong depende sa pangangailangan ng mga ito.

Anya, financial assistance, educational,medical assistance  at marami pang iba ang ilan lamang sa mga inihihinging tulong ng mga kababayang lumalapit sa kanilang tanggapan. 

Ang mga ito rin anya ay mula pa sa ibat-ibang bayan gaya ng Ma. Aurora, Sn Luis, Dipaculao at Dilasag.

Sa personal na pakikipanayam ng CMN News kay vice governor Rommel Teh Angara kahapon, wala silang pinipili na  bibigyan ng tulong partikular  sa pangangailangan sa hospitalization, at gamot ay kaagad nila itong tinutugunan.

Bukas lamang anya ang kanyang tanggapan hanggang sa abot ng kanilang makakaya, dahil naniniwala ito na sadyang ang pag bibigay  ng tulong hanggang sa abot ng makakaya ay isang serbisyo na tungkulin bilang isang lingkod bayan.

Kailangan lamang anya na may certification mula sa mga doctors at iba pang kinakailanagang dokumento.
(Spirit FM News)

Comments