ADINGKU PROGRAM NG DIPACULAO PNP MATAGUMPAY NA ISINAGAWA KAHAPON



Matagumpay na isinagawa kahapon ang ADINGKU o “Ayaw ng Dipaculao sa Ipinagbabawal Na Gamot at Krimen upang Umunlad” program,  na isa sa mga bagong programa ng kapulisan sa nasabing bayan.

Pinangunahan ni Police Senior Inspector Ferdinand B. Usita, ang nasabing gawain, kung saan ipinaliwanag nito sa bawat kabataang mag-aaral ang hinggil sa illegal na droga at kung paano ito sila maiiwasan.

Malaki din anya ang impluwensiya na kapaligiran, kaibigan at bawat taong nakakasalamuha sa pang araw-araw na gawain at pamumuhay. 

Upang higit anya na makaiwas sa ipinag babawal na gamot, ay kinakailanagan na piliin lamang ang mga kaibigan na hindi makapag bibigay ng masamang impluwensiya partikular sa usapin ng droga.

Nabahaginan ng nasabing gawain, ang nasa 200 mag aaral ng sekondarya ng Borlongan National High School, ganoon rin ang Dinadiawan National High School.

Naging katuwang sa programang ito sina SPO4 Desiderio Noora,  PO3 Rhodalyn Amistad, PO1 Sharon Lobusta, PO1 Cecil Len Ferrer, MESPO, at  NUP Arce Jess C Friginal.

Ito na ang isa sa pinaka bagong programa ng ahensiya, na kauna-unahan sa buong lalawigan ng Aurora.
(SPIRIT FM NEWS)

Comments