Mga Bagong sasakyan na mula sa DILG Binasbasan

Binasbasan na kaninang umaga sa Baler Municiapl Plaza  ang mga bagong sasakyan na pinag kaloob ng pamahalaang national sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government  (DILG) sa pakikipag tulungan ng Local Government of Baler sa Pangunguna ni Baler Municipal Mayor Nelianto Pilot Bihasa.  Ang bagong Rescue Vehicle ng Municipal Disaster Risk Reduction Office, (MDRRMO BAler) Ang bagong Patrol Jeep at Motorcycle ng Baler PNP at  ang bagong Fire Truck Bureau Of Fire Protection BFP Baler.

Labis naman ang pasasalamat ni Baler Municipal Mayor Nelianto Pilot Bihasa , sa mga natatangap na biyaya ng bayan ng Baler, malaking tulong daw ang mga bagong sasakyan sakaling kailanganin sa tuwing may banta ng masamang kalamidad sa lalawigan ng Aurora Handa naman aniyang tumulong ang bayan ng baler sa mga karatig bayan nito sa kaling kailanganin sa oras pangangailangan.
Inaasahan din aniya na darating anumang araw ang dalawang MINI Abulance na ipag kakaloob ng Philippine Charity Sweepstake  Office. (PCSO) upang mabilis na maidala ang mga pasyente sa mga pagamutan.

(SPIRIT FM NEWS)

Comments