9 NA MILYONG PISO INILAAN NG DSWD PARA SA MGA NASALANTA NG BAGYO SA BAYAN NG DIPACULAO



Naglaan ng 9 na milyong piso ang Department Municipal Social Welfare and Development Office para sa mga nasalanta ng abgyong lando sa bayan ng Dipaculao Aurora base sa ipinasang Report ng Municipal Social Welfare ang Debelopment Office. 

Ayon kay Social Worker Development Officer  Dominador Avar na umabot ng may bilang na 111 pamilya  ang lubhang nasira ang bahay at may 519 na pamilya naman ang bahagyang nasira ang tahanan. makakatangap naman aniya ng 30,000 ang may total damage habang 10 libo naman ang matatanggap ng may bahagyang nasira ang bahay. nakalaan din aniya ang cash for work na umaabot ng 262 ang bawat manggagawa.

Natanggal naman aniya sa listahan ng DSWD ang mga hindi pumasa sa  pamantayan  ng DSWD. 
(Spirit FM News)

Comments