BALER VICE MAYOR KAREN ANGARA, IPINALIWANAG ANG PAG KA UNSIYAMI NG PAG SASAAYOS NG DICALOYUNGAN BRIDGE

Patuloy na umaalma ang mga motorista na dumaraan sa bahagi ng Dicaloyungan dahil sa hindi parin naiisaayos na tulay magpa hanggang sa ngayon.

Bukod kasi sa lubak-lubak na kalsada pababa sa bahagi ng pansamantalang tulay na kahoy, hindi rin ito mapakinabangan sa tuwing sumasapit ang tag ulan dahil umaapaw ang tubig dahil sa malakas na pag ulan.

Dahil dito, hinihintay pa ng mga motorista patungo sa bahagi ng Sitio Cemento maging ang mga mag aaral ng ASCOT ang pag hupa ng tubig sa nasabing tulay.

Ayon kay Baler Vice mayor Karen Angara, ang Dicaloyungan Bridge ay isa sa mga proyekto ng National Government na naantala ang pag sasaayos dahil sa nadaanan nito ang isang pribadong lupa.

Sa ngayon anya ay hinihintay parin ang desisyon ng Korte, kung gagamitin ang Power of Eminent Domain ng gobyerno.

(Spirit FM News)

Comments