BANGKA AT LAMBAT SA MANGINGISDA IPINAGKALOOB SA MGA FISHERFOLKS



Tumanggap ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR -Region 3, ang mga mangingisda ng Brgy Zabali Baler Aurora.

Ipinag kaloob sa mga ito ang 3 makinang bangka kasama na ang 10 lambat para sa mga miyembro lamang ng fisherfolks Association sa nasabing brgy.

Laking tuwa ng mga mangingisda dahil ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap ng mga kagamitang pangisda mula sa ahensiya, at malaking tulong din anila sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Nagpa abot rin ng pasasalamat ang buong pamunuan ng Brgy Zabali sa pangunguna ni Brgy captaion Jose Amatorio at mga kagawad nito.

Ang nasabing programa ay bilang sa pakikipag tulungan ng Municipal Agriculture Office o MAO.
(Spirit FM News) 

Comments