BASURA SA PAMILIHANG BAYAN NG BALER, TANGHALI NA BAGO HAKUTIN



Umaamoy at umaalingasaw na ang mga basura sa pamilihang bayan ng Baler Aurora, dahilan sa inaabot ito ng tanghali bago ito hakutin.

Ayon sa mga Tricycle driver sa pamilihang bayan  baler na kanila daw naaamoy ang alingasaw ng basura sa harap ng pamilihang bayan, pag paminsan daw umaabot pa ito ng alas 9:00 ng umaga bago ito hakutin.

Ayon naman kay Municipal Environment and Natural Resources, MENR - Officer Ma, Liza Costa, na nasira daw ang isang dump truck at isa lang ang pinang-hahakot ng basura , dahilan na natatagalan ito sa paghahakot ng basura, marami rin aniya ang pinupuntahan nang dump truck para mangolekta ng basura  partikular sa buong Pob Zone ng baler.

Sinisikap naman aniya ng kanilang tanggapan na makolekta ang mga basura sa mga  bahay bahay at ilang mga establishimento dito sa bayan ng baler.

Payo naman nito na makiisa sa pag lilinis ng kapaligran at palagiang ihiwalay ang mga na bubulok at hindi nabubulok na basura para sa malinis na bayan.
(Spirit FM News)

Comments