COMELEC CHECK POINT, SA BAYAN NG BALER SINIMULAN NA

Nag sanib pwersa ang Philippine National Police at Philippine Army upang mag-sagawa ng COMELEC Check Point sa bayan ng Baler Aurora sa pangunguna ni PINSP Zaridel Jastiva,  upang paigtingin ang kampanya laban sa mga nag dadala ng armas na walang legal na papel.

Ayon kay Jastiva na palagian ng isinasagawa ang COMELEC Checkpoint sa tuwing nalalapit ang Eleksyon  upang  paiigtingin ng kanilang tanggapan ang pag-sasagawa ng Check Point sa mga langsangan upang masiguro na walang nag-papasok at nag-lalabas ng armas  sa bayan ng Baler, kaugnay parin sa na lalapit na 2016 Election.

Dagdag ni Jastiva na target ng kanilang tanggapan na maging maayos at mapayapa ang nalalapit na pag-pili ng mga mamumuno sa bayan ng Baler.

Payo naman ni Jastiva na dapat ding makipag tulungan ng mga Motorista. upang mapanatili ang kaayusan, Ito daw ay   para sa lahat,  upang  mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng  bayan.

(Spirit FM News)

Comments