ISANG LALAKI PATAY MATAPOS SAKSAKIN SA LIKOD SA BAYAN NG BALER



Patay ang isang lalaki matapos saksakin sa likod at hamapasin ng matigas na bagay sa leeg at  sa baba nito ng hindi nakilalang suspek.

Ang biktima ay kinilalang si Bernardo Basquinia  Ferreras 43 taong gulang residente ng brgy Suklayin Baler Aurora,

Duguan na itong natag puaan sa Kabiran Street Brgy Suklayin sa nasabing bayan, agad naman dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit diniklarang patay na ito base sa nakatalagang Doktor.

Ayon sa Ibestigasyon ng baler PNP, na na kaalitan pa di umano ng biktima ang kanyang bayaw na kinilalang si PO1 Celso Clamonte Jr Del Rosario  noong ika 14 ng Disyembre taong 2015  at sinabi pa ang katagang "HAYOP KA! WALANG HIYA KA!, WAG KANG AAPAK SA BAHAY NA ITO!, BABARILIN KITA!" at agad na sinuntok ang biktima sa dibdib.

Nakita naman ang Motorsiklo na pag mamay ari PO1 Celso Clamonte Jr Del Rosario  sa Kabiran Street ngunit agad ding nawala

Kasalukuyan pa din ang imbestigasyon ng Baler PNP ukol sa pang yayari.

(Spirit FM News)

Comments