LAMBAT SIBAT VOLUNTEER SA BAYAN NG DIPACULAO PAG TUTUUNAN NG PANSIN



Pagtutuunan ng pasin ng Dipaculao PNP, ang pagtatalaga ng mga Lambat Sibat Volunteer na tutulong sa pagsawata sa mga nasasangkot sa iligal na Droga, sa kanilang bayan. Sa pangunguna ni PSINS Ferdinand Usita.

Ayon kay Usita  magsasagawa ang kanilang tanggapan ng Orientation para sa mga  Lambat Sibat Volunteer na gaganapin sa ika-walo ng Biyernes buwan ng Enero. 

Malaking tulong naman aniya ang mga ito upang mas mapabilis ang paghuli sa mga gumagamit at nagtitinda ng mga ipinag-babawal ng gamot at gumagawa ng mga iligal na gawain. 

Ikinatuwa ng mga residente sa bayan ng Dipaculao ang bagong Programa ng PNP, upang maubos na daw at mawala ang mga gumagamit ng  ipinag-babawal na gamot.

Ilan daw sa mga nasasangkot ang mga kabataan na siyang sumusira sa kalusugan  maging sa kinabukasan ng mga ito.
(Spirit FM News)

Comments