PAGPAPATUPAD NG CHECKPOINT WALANG SISINUHIN AYON KAY PROVINCIAL DIRECTOR DANILO FLORENTINO

Tiniyak ni Provincial Director Danilo Florentino na walang sisinuhin ang ahensiya ng kapulisan  sa lalawigan ng Aurora hinggil sa patuloy na pag papatupad ng checkpoint hinggil sa pinapairal na gun ban sa buong bansa para sa National and Local Elections sa ika 9 ng Mayo 2016.

Kahapon, muling nagsagawa ang mga tauhan ng kapulisan ng kaparehong gawain upang masiguro ang kaayusan, katahimikan at kapayapaan.

Naka alerto rin ang Comelec at Armed Forces of the Philippines AFP sa pag pag sisiyasat sa mga sasakyang pumapasok at papalabas ng lalawigan.

Wala namang dapat na ipangamba ang mga motorista, dahil sinisiguro ng mga ito na hindi malalabag ang kanilang karapatan sa kabila ng mahigpit na seguridad.

Maliban sa pag dadala ng baril, kasama sa mga ini inspeksiyon ang iba pang deadly weapon, kung may sapat nga ba itong permiso o papeles.
Ang nasabing gawain ay tatagal matapos ang halalan sa Mayo.


(Spirit FM News)

Comments