PAMILYA NI BERNARDO BASQUINIA NA WALANG AWANG PINATAY, HUSTIYA ANG SIGAW



Hustisya at dapat managot sa batas ang sigaw ng mga kaanak ni Bernardo Basquinia  ang lalaking walang awang pinatay sa brgy suklayin baler Aurora nuong ika 3 ng Enero ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay Feresitas De Leon 49 na taong gulang kapatid ng biktama na dapat aniya managot sa batas ang pumatay sa kaniyang kapatid sa loob palang aniya ng bahay  sa oras ding iyon ay sugatan ng lumabas ang kaniyang kapatid at pinilit na makalabas sa kalsada sa cabiran Street brgy Sulyin sa nasabing bayan. at duon na  natag puang duguan ang kaniyang kapatid. 

Ayon  kay De leon na una nang nag kaalitan ang kaniyang kapatid at ang bayaw nitong si si PO1 Celso Clamonte Jr Del ro Sario  tungkol sa bahay at lupa na kanilang tinitirahan,  nakatalaga naman aniya na pag uusapan sa brgy ang kanilang usapin nuong ika 4 ng enero ngunit hindi na ito umabot ng buhay.  Pinag bantaan parin daw ang kaniyang kapatid nuong ika 14 ng Disyembre  taong 2015. at sinambit ang katagang “HAYOP KA! WALANG HIYA KA, WAG KANG AAPAK SA BAHAY NA ITO, BABARILIN KITA” at sinuntok ito sa kaniyang didib.

sa kasalukuyan naman aniya ay hindi pa nag papakita ang si PO1 Celso Clamonte Jr Del ro Sario   at ang kaniyang asawa na si Maria Pas Clemente.
patuloy naman ang isinasagawang ibesigasyon ng Baler PNP sa Insidente.
(Spirit FM News)

Comments