GROUND BREAKING CEREMONY OF DIPACULAO PNP, ISINAGAWA KAHAPON


Matagumpay na isinagawa kahapon ang ground breaking ceremony para sa pag papagawa ng bagong PNP station sa bayan ng Dipaculao Aurora.

Tinatayang aabot ng apat na milyong piso, ang pondo na ilalaan para sa nasabing proyekto, mula sa Philippine National Police.

Sa panayam kay provincial Director, Police Senior Superintendent Danilo Florentino, mag kakaroon rin ng bagong police station ang ilan pang bayan, gaya ng Ma. Aurora Aurora, Dilasag,at Baler.

Bukod sa mga nabanggit na bayan, una ng nagkaroon ng bagong station ang mga bayan ng Sn Luis at Dinalungan sabahagi naman ng DICADi Area.

Ang nasabing proyekto ay bilang pag tugon sa bagong modelo ng mga himpilan ng kapulisan sa bansa, upang maging kumportable sa mga kawaning pulis.

samantala ngayong araw, isasagawa rin ang kahalintulad na gawain sa bayan naman ng Dilasag Aurora.
(Spirit FM News)

Comments