Sundin
ang tamang kasuotan upang hindi mag multa!
Ito
ang muling panawagan ng Pamahalaang Bayan, sa pangunguna ng MTFRB office, sa
lahat ng tricycle operators sa bayan ng Baler.
Ayon
sa tanggapan, may tamang alituntunin, kasama na ang tamang kasuotan o pananamit,
ang dapat na na sundin ng mga driver ng pam publikong tricycle.
Kaya
naman, mahigpit na ipinag babawal ang pag susuot ng sando, short at tsinelas,
maging ang pag lalagay ng headphone.
Maliban
sa mga nabanggit iminumungkahi rin ang pag kakaroon ng basurahan bilang tugon
sa ordinansa hinggil dito.
Bawal
rin na mamasada ang mga tricyle na walang MTOP,body number, at kaukulang
dokumento para mag operate.
maglagay
ng karatulang SERVICE sa harapang bahagi ng tricycle kung ito ay ginagamit
bilang pribadong sasakyan lamang, at sundin ang talagang sukat ng side car.
Sakaling
may ano mang reklamo hinggil dito, ay
maaaring magtungo lamang sa tanggapan ng MTFRB na matatagpuan sa Baler
Municipal Bldg.
(Spirit
FM News)
Comments
Post a Comment