MGA TRICYCLE DRIVER , SUMAILALIM SA ROAD SAFETY AWARENESS SEMINAR SA DIPACIALO

DIPACULAO Aurora - Sumailalim sa Road Safety Awareness Seminar  ang mga tricycle driver at samahan ng mga namamasada o mga Tricycle Operator's Driver Association -TODA sa bayan ng Dipaculao Aurora.

Bukod sa mga tricycle driver ay dumalo din sa naturang gawain ang  ilang kapitan ng barangay sa lugar ,at mga opisyales ng LGU Dipaculao.

Sa panayam ng CMN News kay Land Transportaion Office CHIEF Renato Macalisang na isa ang kanilang tangapan sa mga naging guest speaker na kung saan ay tinalakay nito ang mga  batas trapiko at traffic rules and regulations, traffic signs at ang traffic code na ipinatutupad ng kanilang tangapan.

Nagbigay din ng lecture sina Miss Cora Dukha at Elay Dumpit hingil sa Republic Act 4136 at iba pang batas trapiko at multa nito.

Tinalakay naman ng Dipaculao Police  na pinamumunuan ni Police Captain Desiree Buluag ang iba pang batas trapiko na may kaugnayan naman sa mga ordinansa na umiiral doon at mga kaparusahan sa mga mahuhuling lalabag.

Sa huli ay  nagpasalamat ang mga nakiisa sa mga pulis na nagpasimuno ng gawain   lalong lalo na sa alkalde ng bayan  Mayor Danilo Tolentino dahil nakita umano nila ang magandang resulta at nangakong makikiisa sa pagpapatupad ng Absolute No Parking Policy at susunod sa pagpapatupad ng batas trapiko at iba pa.


End

George Balbero

Comments