Lumikha ng isang malakas na pagsabog ang isang Vintage Bomb sa bahagi ng Barangay Aplaya Dingalan Aurora bitong Sabado ng tanghali na gumulantang sa maraming mamamayan ng nasabing bayan.
Sinadyang pasabugin ng pinagsanib pwersa ng Pulisya sa bayan ng Dingalan at Explosive Ordnace Disposal (EOD) ng Philippine Army ang natagpuang bomba, subalit bago nila ito gawin ay dinala muna ng grupo ang bomba sa Water Point ng Barangay Aplaya kung saan siguradong ligtas at walang mapipinsala.
Kinumpirma ng Pulisya na ang pinasabog na vintage bomb at ang natagpuang umuusok at pumutok na matigas na bagay ng ilang residente sa bahagi ng dalampasigan ng Barangay Paltic nitong Biyernes ng hapon ay iisa.
Samantala sa impormasyon ng CMN News sa ilang residente sa bayan ng Dingalan, partikular na yaong maraming dekada ng naninirahan sa lugar, sinabi ng mga ito na sa pagitan ng taong 1960-1970 ay marami na daw nagkalat na bombang hindi sumabog sa lugar na di umano'y iniwanan ng mga sundalong hapon noong world war 2, kaya't posibleng kabilang sa mga ito yaong dalawang bombang natagpuan kamakain.
Samantala pinapayuhan naman ng mga otoridad at sino man kung sakaling makakita ng kahina-hinalang bagay lalo na't itoy umuusok ay lumayo na lang at agad na makipag ugnayan sa pulisya o sa sino mang opisyal ng Barangay, upang maiwasan ang ano mang peligro na posibleng maging dulot nito.

END
Ferdinand Pascual
Comments
Post a Comment