Naantala ang isinagawang demonstration sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine sa Bayan ng Dinalungan, Aurora
APRIL
11, 2013 – Naantala ang isinagawang demonstration sa Precinct Count Optical
Scan (PCOS) machine sa Bayan ng Dinalungan, Aurora matapos itong magkaroon ng
aberya kahapon Abril 10, 2013.
Inabot
ng mahigit isang oras ang pagkaantala bago gumana ang PCOS machine dahil sa
umanoy nasira ito ng mga naunang gumamit sa ibang Bayan.
Naging
dahilan din ng pagkaantala ang kawalan ng kuryente sa lugar, bagay na
pinapangambahan ng mga botante, na baka sa aktuwal na halalan ay muli umanong
magkaaberya ang mga machine at suplay ng kuryene.
Tiniyak
naman ng Comelec na walang magiging problema sa darating na halalan, dahil ngayon
palang umano ay handa na sila para sa May 13 election.
--------------------------
Comments
Post a Comment