221 bd.ft NA TABLA INABANDONA - San Luis, Aurora

Narekober sa mga ilegalista ang mahigit 221 board feet na pinaghihinlalang illegal  na mga tabla sa Bayan ng San Luis, Aurora habang sinampahan ng kasong Illegal Logging ang mga  suspek dito.

Ayon sa report ng PNP San Luis Station, dakong alas-3:10 ng umaga nitong nakaraang Hunyo 4, 2014 habang nagpapatrol sila sa Bayang ng San Luis kaugnay sa kanilang kampanya laban sa mga illegal logging activities, nakita nila ang isang tricycle kolong-kolong walang plate Nunber sakay ang magkakaibang sukat na tabla na nakaparada sa gilid ng high way sa Barangay 02 Poblacion na tila tinakasan ng may-ari nito.

Sa pakikipag-unayan ng PNP sa CENRO-Dingalan Sub-Station, San Luis, Aurora agad nilang dinala ang kahoy at kolong-kolong sa Himpilan para sa agarang imbestigasyon dito. 

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP San Luis na ang nagmamay-ari nito ay kinilalang sina Nestor Baldonade at Noel Habagat, kapwa residente ng Barangay Diteki, San Luis, Aurora.

Ang dalawang suspek ay sinampahan na ng kaso at nahaharap ito sa kasong Presidential Decree 705 o mas kilala sa Illegal Logging na isinampa sa Provincial Prosecutors Office na may Docket under NPS No. IV-01-INV-13F-0142. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments