307 CDC ARESCOM-AURORA, HINIHIKAYAT ANG MGA MAG-AARAL

Patuloy ang isinasagawang kontraksyon ng administrasyon building ng Ready Reserve Batallon ng Army Reserve Command ARESCOM sa lalawigan ng Aurora.

Ang pondo sa naturang pagawain ay nagmula naman sa PDAP ni Sen. Edgardo Angara na nagkakahalaga ng 1.1 milyon piso.

Ang gusali ay itinatayo sa loob ng Aurora Training Center o ATC sa Barangay Calabuanan, Baler, Aurora.

Ang gusali ang siyang magiging tanggapan ng Organis at Reservist ng 307 Community Defence Center at ng Ready Reserve Battalion ng ARESCOM sa lalawigan ng Aurora, kung saan ang Bat.Com at si Ret. Piscal Jessie Pimentel na may Ranggong Lt.Col. at siya rin ang Judge Advocate General Service o GAGS ng Northern Luzon Command.

Ang tinatayong gusali ang siya ring magiging himpilan ng mga laang kawal na nakahanda sa pagtulong anomang oras lalo na sa panahon ng may kalaidad, na maaring dumating sa lalawigan.

Samantala, hinihikayat naman ni CDC. Francis Isidro ang lahat ng mag-aaral sa mga pamantasan at kolehiyon sa lalawigan na kumuha sila ng advance course ng ROTC at kung sila aniya ay papalaring makapasa sa eksaminasyon ay maaari silang makapag-aral sa mga benipisyo at incentive na iniaalok ng pamahalaan sa mga ROTC Cadet’s.

Sinabi ni Isidro na maraming tulong rin aniya ang mga benipisyo at isentibo para sa kanilang pag-aaral, nakatakda aniya sa June 18 ang Encouragement Campion sa mga Estudiyanteng nais kumuha ng ROTC sa Aurora State College of Technology o ASCOT. (Rey S. Fernando)

Comments