6 DAY'S WORK O "JOB ORDER" PINABULAANAN - Baler, Aurora

Lumagda sa pinagsama-samang salaysay ang 24 katao na di umano ay pinangakuan na magtrabaho ng Job Order sa loob ng 6 na araw ngunit hindi naman nakatanggap ng kahit isang kusing na sahod.

Ang mga nagrereklamo ay mga pawang  residente ng Barangay Obligacion, Baler, Aurora..
Ayon sa pinagsama samang complaint affidavit, matapos umanong silang magpasa ng kanilang PDS, ay nagsimula na silang magtrabaho noong Abril 3 at tumagal ito hanggang Abril 9, 2013, subalit mula noon hanggang ngayon ay hindi parin umano naibibigay ang kanilang sahod.

Kayat nagkaisa umano ang mga ito na gumawa ng pinagsama-samang sinumpaang salaysay, upang anilay magamit sa legal na pamamaraan upang makamit ang kanilang karapatan.

Kaugnay ng reklamo ng 24 katao na kinuha bilang Job Order ng kanilang Kapitan ng Barangay, mariing pinabulaanan ng Barangay  Kapitan ng Obligacion na si  Domino Bernalte na hindi umano  niya hinikayat ang mga ito, kundi sila ay kusang nagtungo sa Barangay Hall upang mag-aplay sa naturang 6 days work.

Sinabi rin ni Bernalte na taga Human Resources Office o HR, isang tanggapan sa Provincial Capitol ng Aurora na sila ang nagtungo sa kanilang Barangay upang kumuha ng mga J.O dahil wala naman aniyang maaring ipa-sweldo ang kanilang Barangay sa 6 day’s na trabaho.

Samantala, umaasa naman ang 24 na nagrereklamo na maibibigay sa kanila ang kanilang sweldo sa pinagtrabahuan nila ng 6 na araw.

Ang natitirang Job Order ay hindi lamang umano sa Bayan ng Baler nangyari kundi sa iba’t ibang bayan din  ng Aurora at marami di umano ang hindi nakakatanggap ng sweldo. (Rey S. Fernando)

Comments