ASONG GALA "ASKAL" TINAGURIANG KILLER ON THE ROAD

Tinaguriang killer on the road ang mga naglipanang asong gala o askal sa buong lalawigan ng Aurora.

Isa umano sa mga nakikitang problema ng ating mga kalalawigan na kung sakali na hindi Makita ng mga kinauukulan at maiwasan ang paglipa nang mga ito ay may posibilidad na dadami pa ang mga kasong aksidente dulot ng mga asong gala.

Tanong ng ilan, sino daw ba talaga ang dapat na magpatupad ng pinapairal na ordinansa sa ating bayan kung bakit naririyan parin itong tinuturing nilang killer on the road.

Unang nilapitan ng CMN News ang mga autoridad at nakapanayam para idulog ang problemang ito, ayon sa ilang istasyon ng PNP, di umanoy nakababa na sa Barangay ang karapatang paghuli sa mga asong gumagala sa lansangan particular sa mga Barangay na kanilang nasasakupan.

Ayon naman sa ilang opisyal ng Baranagy, ginagawa din umano nila ang kanilang tungkulin at hindi naman umano sila nagkukulang sa paalala sa kanilang mga kabarangay.

Sagot naman ng ilan ay kulang sila sa pasilidad kung kanilang paghuhulihin ang mga asong gala, dahil nuong una nilang isakatuparan ang paghuhuli ay namamantay lamang ang kanilang mga nahuhuli at hindi natutubos ng may ari. (George Balbero)

Comments