Ipinarada ang Mahal na Birheng Maria
kasama ang mahigit 75 mga Reyna ng Flores De Mayo katulad ng Reyna Elena, Reyna
Emperatriz at Corazon de Maria at ang mahigit 50 mga batang Angel ng San Luis
Obispo Parish Baler, Aurora noong Mayo 31 sa Bayanan ng Baler bilang huling araw ng Santacruzan.
Dakong alas-tres ng hapon nagsimula
ang Banal na misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Nilvon co Villanueva kasama si Rev.
Fr. Sanny Quijada. Matapos ang Banal na Misa sinundan ito ng Banal na Prosisyon
sa buong kabayanan ng Baler, matapos ang prosisyon sinunod ang pag-aalay ng
bulaklak sa Mahal na Birheng Maria sa Covered Court ng Mount Carmel College
Baler.
Ang Santacruzan o Flores de Mayo ay
tradisyon na taon-taong ipinagdiriwang sa mga Sibahang Katoliko partikular sa
Bayan ng Baler. Mahalaga ang naturang pagdiriwang upang maipakita ng bawat isa
ang kahalagahan ng debosyon sa Banal na Krus at sa Birheng Maria.
Binigyang pansin ng lahat ang
pananampalataya at mga tradisyong pinaniniwalaan at ginawa ng Mahal na Birheng
Maria sa paghahanap sa Banal na Krus.
Comments
Post a Comment