DEMOLITION NAGKAROON NG TENSIYON - Baler, Aurora

Nagkaroon ng tensiyon sa pagitang ng Demolition team ng Sheriff Aurora at sa mga nakatira sa bahay na gigibain sa Sitio Virrey, Barangay Pingit, Baler, Aurora.

Dakong alas-otso ng umaga kahapon (June 20, 2013) dumating sa lugar ang demolition team, sa bisa ng Writ of Demolition na may Civil Case No. 772  para gibain ang bahay at putulin ang mga puno ng niyon na tinanim ng pamilya ni Ginang Merriam Virrey.

Ayon sa Sheriff, December 10, 2012 pa dapat umano isasagawa ang pagbabaklas, subalit naantala dahil sa umanoy dinidinig pa sa korte ang usapin sa pagitan ng sinasabi na diumanoy may-ari ng lupa na si Violeta at Alejandro Erog-Erog vs. Merriam Verrey.

Binigyan umano ng limang araw na palugit ang pamilyang Virrey para lisanin ang lugar, at kung hindi umano sila kusang aalis mapipilitan ang Sheriff na ihain ang utos na sila ay puwersahang paalisin. Subalit ayon sa pamilyang Virrey wala umano silang natanggap na notis mula sa Sheriff. 

Kahapon muli nilang sinagawa ang pagpapaalis sa pamilyang Verrey subalit sa dami ng taong sumusuporta para pigilan ang demolition team, nabigo silang ipapupad ang utos ng Sheriff.

Umabot ng mahigit pitong oras ang tensiyon sa pagitan ng demolition team ng Sheriff at sa nagmamay-ari ng bahay gayun din ang mga tagasuporta nito na magit 50 katao mula sa grupo ng Panlalawigang Alyansa ng Magbubukid sa Aurora o PAMANA at Justice and Peace Action Group of Aurora o JPAG.

Nakaantabay naman ang Baler PNP para pigilan at upang maiwasan na magkasakitan ang makabilang panig. (Arnel M. Turzar)

Comments